222 - May Bukal sa Dugong Buhay

May bukal ng dugong buhay yay Jesus nagbuhat
At ang doon ay hugasan malilinis agad.
Malilinis agad, Malilinis agad;
At ang doon ay hugasan malilinis agad.

Ang mapalad na tulisan ay roon naghugas,
Ako mang makasalanan sa kanya'y tutulad.
Sa kanya'y tutulad, Sa kanya'y tutulad;
Ako mang makasalanan sa kanya'y tutulad.

Ang dugo Mo, Poong Jesus, Ay magtatagumpay
Hanggang ang mga natubos maligtas nang tanan.
Maligtas nang tanan, Maligtas nang tanan;
Hanggang ang mga natubos maligtas nang tanan.

Ang dugo Mong bumubukal mula nang makita
Ay Siya kong laging saysay sa taong may sala.
Sa taong may sala; Sa taong may sala;
Ay Siya kong laging saysay sa taong may sala.

0:00 0:00